Tiktik

tiktik

Tiktik

Year 2009 ng magbuntis ate ko at July 2010 naman sya nanganak. Noong panahon na nagbubuntis sya sa una nyang anak sa iisang kwarto lang kami natutulog(2nd floor) at yung kasambahay namin sa underground. Hindi ko makakalimutan ang pagbubuntis nya nuon kase dahil duon nakita ko na rin sa wakas ang famous na aswang ,ang tiktik.

So eto na nga ber months na siguro nuon may mga gabi na may kumakalabog sa bubong namin. Naglagay na kami nuon ng mga bawang at asin sa bintana dahil sa takot na nga na matiktik ate ko pero hindi padin natigil eh. Eto na talaga isang gabi late na ako natulog kaka psp around 1am na nuon ng may biglang kumalabog ng napakalakas sa bubong. Sa isip ko ayan na naman sya. So nagtalukbong nalang ako para makatulog na ko. Yung pwesto pala ng higaan ko ay nasa harap ng maliit na bintanang sliding window tinted, wala yung kurtina. So kitang kita ko yung liwanag ng buwan. At sa bintana na yun katapat naman ng bubong ng kapit bahay namin. Mejo manipis na puting kumot lang gamit ko that time ng magtalukbong ako so aninag ko pa yung liwanag, nagtaka ko ng biglang dumilim. Unti unti kong binaba yung kumot ko, hanggang sa makita ko yung humarang sa liwanag ng buwan.

Nangilabot ako sa nakita ko. May kung anong hugis tao na maraming tusok tusok ang nakatayo sa bubong ng kapitbahay namin. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kaya pumikit ako ng ilang beses pero andun parin sya. Sh*t anong gagawin ko sabi ko sa isip ko. Nagtalukbong nalang ulit ako at nagdasal tas maya maya na aninag ko na ulit yung liwanag, wala na yung kakaibang nilalang nayun. Nagdasal ulit ako hanggang makatulog. Kinaumagahan naman pagkadilat ng mata ko may ibon akong nakita sa tapat ulit ng bintana kakaiba sya kulay brown na kasing laki ng pusa at may tuka na singhaba ng lapis nakatitig sya akin,parang istatwa na hindi talaga gumalaw. Bumaba na ako nuon at agad ikinuwento sa mga kapatid ko. Tinanong nila anong itsura nuon tas ginogoogle ko image nya nagulat ako dun sa isang image dun katulad ng nakita ko. Dahil sa kakaibang experience na yun nagresearch kaagad ako nun about sa kanila. Nung hapon na nagkakwentuhan sa labas kami at mga kapitbahay, hindi ko pa inoopen sakanila yung nakita ko eh nagsabi na sila na ang ingay nga daw kagabi sa bubong nila. Duon sinabi ko na sakanila yung naexperience ko at sinabihan kami na magdagdag pa ng maraming bawang at maglagay ng gunting ang ate ko sa tabi nya. Hanggang sa mawala na nga yung ingay. Thank God! Nakapanganak naman yung ate ko ng maayos.

2 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

www.000webhost.com