Sigaw

scary white lady

SIGAW

This happened earlier this year, hindi ko na maalala kung anong month pero duty ako nun sa Ospital ng Palawan dito sa may Puerto Princesa City.

Ang duty ko nung ay 3pm to 11pm, ang shift na 3-11 ay ang pinaka hectic or “toxic” kung tawagin namin. Halos hindi ka makakainom ng tubig minsan at uuwi ng 1-2 oras lampas ng 11pm. malapit na matapos ang duty namin bandang 10pm na ng gabi, tahimik ang ER dahil sa konti lng pasyente namin (HIMALA*), as far as i remember ay dalawa lang at hindi critical ang patient ang natira nung oras na yun. Inaantay namin makarating ang lab results ng mga pasyente at nakaupo lng sa nurses station. Naalala ko tanaw na tanaw ko ang hallway at ang OR building sa unahan. Madilim ang daanan dun dahil nirerenovate ang part na yun. Narinig kong naguusap ang mga kasama ko at hinarap ko sila.

Maya maya ay may narinig akong tila umiiyak na ginang. Mahina ito nung una, hindi ko pinansin dahil baka guni guni ko lng. After ilang minutes naulit ito, pero ilang segundo ko lng narinig, tinignan ko mga kasama ko kung may iba bang nakakarinig. Pero busing busy sila sa pagkkwentuhan at mukhang wala namang napansin.

Pangatlong beses ay may kalakasan na, at dahil curious baka may pasyenteng nangangailangan ng tulong at para malaman kung bakit may umiiyak sinilip ko ang hallway at tinignan kung sang direksyon ko banda narinig na maaaring pinanggalingan ng iyak. Wala ako nakita sa upuan ko, tinignan ko ulet kung may nakapansin at pagtingin ko sa kanan ko ay nakatingin sakin ang kasama ko.

Tinanong ko sya “Narinig mo?”, nakakunot ang noo nya, hindi sya sumagot pero tumango na pasangayon.

habang magkaharap kami ay may sumigaw “DOOOOKKKKKK!!!!!” malinaw na malinaw na malakas na sigaw na parang humihingi ng tulong na tila naiiyak ang tono ng sigaw na nagmumula sa hallway.

Nanlaki ang mata ko at agad ako tumayo at tumakbo palabas, hinanap ko kung san nanggaling yun ngunit bakante ang mga stretcher, walang tao sa driveway, at sinilip ko rin ang daan papuntang OR na mdalim.

Wala akong nakita, Umabot na ako sa main door ng OR/DR at nagtanong kung may pasyente ba sila. Ang sagot sakin ay wala.

Pagbalik ko nakita ko sa hallway ang kasama ko na nakarinig din, ang tanong niya

“may patient ba? sino yun?”.

Umiling ako, sabi ko “wala naman! nakarating nako ng OR eh.”

Sa kabilang side ng hallway ay yung Admitting Section.

Tinanong ko sila “Sir, may narinig ba kayo na babaeng sumigaw?”

Sabi ng isang Clerk “wala naman, kelan yun?”

sagot ko naman “ngayon lang, ang sabi pa nga “DOK” na parang himihingi ng saklolo”.

Sabi ulet ng Clerk, “wala talaga sir” nakatingin samin ang guard at tinanong ko rin siya

“Ikaw sir? may narinig ka?”,

Sagot ng guard sakin “wala rin sir. at parang pabiro pa sinabi “Halaaaaahhhhhh”. Tahimik kami bumalik sa loob at nagtinginan na lamang.

Napakarami nang pasyente ang namatay sa parteng iyon ng Building. Doon nilalagay panandalian and mga namatay na pasyente at hinahayaang mag mourn ang mga kamag anak sa nawalay bago ito idiretso sa morge.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

www.000webhost.com