Doppleganger

This One happened to me personally back in early 2010. I was enrolled in the training program of DOLE and DOH, The “Nurses Assigned in Rural Service” or NARS. Nangyari ito sa Taytay District Hospital or TDH in Taytay, Palawan. Medyo similar sa kwento ng kaibigan ko pero dalawang beses nangyari sakin.

Morning shift ako non, naglalakad lng kami ng isa kong kasama papuntang TDH, maalamig at mahamog na umaga iyon. Pagdating namin sa Front Door ay nakita namin ang isang contractual nurse dun na si Ralph. Nag lolog-in siya sa logbook hindi kalayuan sa amin at ng natapos ay umakyat na papuntang nurses station. Kami ay nag log in narin at dumiretso sa Emergency Room.

Nagpatuloy ang umaga maraming mga konsultasyon pero konti lng ang emergency cases. Isa isang kumonti ang pasyente at mamayay biglang pumasok sa isip ko nung nakita ko si Ralph nung maaga pa.

Sabi ko sa kasama ko, “diba bababa pa-puerto si ralph? nag leave yun ang alam ko”.

Sagot ng kasama ko “Oo bakit?”. Kumunot ang aking noo, napaisip ako kasi may gusto ako ipabili sa kanya sa “Puerto” dahil dun lang meron at wala sa naturang munisipyo.

Naisip kong magbakasakali at tawagan siya sa Nurses Station sa taas upang malaman kung siyay nandoon. Nagriring ang telepono, at may sumagot na boses babae.
“Good Morning, Nurses station.”

Agad kong tinanong “Ma’am, nandiyan po ba si ralph?”

Sagot sakin “ay wala sir, bakit po?”

Sagot ko ule “ahhh…wala, parang nakita ko kasi siya umakyat kanina, hindi mo napansin?”

Sagot niya “Sir wala po talaga eh.”

Nagtataka na ako ng oras na yun at naisip kong I-text nalang ito. Dinampot ko ang cellphone tapos tinanong ko “pre, duty kaba?”

Lumipas ang kalahating oras at tumunog ang aking cellphone. Sabi ko “uy! may message”. Nakita ko pangalan ni Ralph. Binuksan ko ang message at binasa “pre nasa puerto ako..hehe”. Dali dali ako pumunta sa may log-in area at tinignan ang logbook iniisip ko baka nagbibiro lang siya. Hinanap ko ang pangalan ni ralph dun pero hindi ito nakita. Tumayo ang balahibo ko, hindi ako makapaniwala dahil sigurado ako na nakita ko talga siyang nag lolog-in nung kinaumagahan. Desperado na masagot ang kataka takang pangyayari tinanong ko yung kasabay ko pumasok kung napansin nya rin na naglo-log in si ralph nung maaga pa.

Sabi ng kasama ko, “oo nga napansin ko siya kanina, bakit?”. Napamura ako at kinwento sa kasama ko at ipinakita ang reply ni ralph. Hanggang ngayon nakikita ko parin itsura niya habang nag susulat sa logbook tuwing inaalala ko. Sino ang taong iyon, tao ba talaga siya, pano niya nagawang mag manipesto at pano ko siya nakita roon. Iyon ang first time ko maka encounter ng doppleganger.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

www.000webhost.com